Lunes, Pebrero 4, 2013

 
Mga Polusyon sa Mundo

Anu-ano ba ang mga polusyon meron sa mundo? Merong tayong tinatawag na apat na uri ng polusyon. Mayroong polusyon sa hangin, sa lupa, sa tubig at sa ingay.

Bakit nga ba nagkakaroon ng mga polusyon na nakapagdudulot ng masamang epekto sa ating buhay? Bakit hindi tayo magkaisa para maisaayos ang ganitong klase ng krisis sa ating bansa?

Simula pa lang, maganda  na talaga ang ating kapaligiran, sariwa ang hangin, malinis ang katubigan, tahimik ang mamamayan, walang basura na nakakalat kung saan saan at higit sa lahat, walang mga putol na mga puno.  
POLUSYON isang uri ng gawain na pinadudumi at sinisira ang lupa, tubig, hangin, bayan, at atmosphere gamit ang mga dilikado at nakasisirang sangkap o maling pamamaraan.


P_palawakin ang pag-iisip para sa kaligtasan ng ating mundo
O_obserbahan ang mga nakakasama at makakasira sa kalikasan
L_lagyan ng pangalan ang mga nakakasamang bagay sa kapaligiran
U_unawain at isakatuparan ang mga nakasulat para sa kaligtasan
S_solusyon para sa nasirang mundo o kalikasan huwag tanggihan
Y_yamang likas ay huwag sirain o dumihan sa halip ay atin itong pangalagaan
O_obligahin mga pabrika na sumunod sa mga palatuntunan kung hindi ay isumbong sa kinauukulan pagkat maitim na usok nito'y lubhang nakasasama sa ating kalusugan gayun din sa ating mahal na kalikasan. N_nayong malinis at maganda huwag dungisan dahil ito ay likha ng maykapal at dapat ito'y huwag pabayaan.

May apat tayong tinatawag na polusyon.Polusyon sa hangin,polusyon sa tubig,polusyon sa lupa at polusyon sa ingay.

Polusyon sa Hangin
Ang polusyon sa hangin ay ang mga usok na nag mumula sa mga pabrika at mga iba't-ibang bagay na sinusunog na sumasama sa hangin at nagiging resulta sa pagka sira ng ating ozone layer.
Ang simpleng pag susunog ng mga basura gaya ng plastik ay
isang halimbawa ng polusyon sa hangin.Ang usok na galing sa
pagsusunog ng ng mga damu at plastik ay malaki ang nagiging
kontribusyon sa pagka sira ng malinis at maaliwalas na hangin.
Gayun din sa ating kapaligiran at ito rin ay talagang nakasasama
sa ating kalusugan.


Ang polusyon sa hangin, ay isang suliraning pangkapaligiran na kasalukuyang kinakaharap ng buong mundo. Sanhi ito ng pagkakaroon ng mga mapinsalang kemikal sa hangin. Sa modernong lipunan, ang polusyon sa hangin ay karaniwang nagmumula sa mga sasakyan at sa mga ibinubuga ng mga pabrika. Ang mga kabahayan at opisina ay may kontribusyon din sa polusyon sa hangin.

Epekto sa kalusugan

Ang polusyon sa hangin ay lubhang mapinsala sa pangangatawan. Ayon sa World Health Organization, 2.4 milyong tao ang namamatay taun-taon sanhi ng polusyon sa hangin.
Mula sa simpleng pag-ubo, pagkahilo at pagbahing, ang polusyon sa hangin ay maaaaring maging sanhi ng chronic obstructive pulmonary disease (COPD) gaya ng asthma, bronchitis, pneumonia, emphysema. Ang ilang sakit sa atay, puso at utak ay itinuturo ring dulot ng polusyon sa hangin.

Ang World Health Organization (WHO) ay ang namamahala at nangangasiwa ng kalusugan na nasasaklawan ng sistema ng United Nations. Ito ay responsable sa pagbibigay ng pamumuno sa pandaigdigang kalusugan, pananaliksik at pagpupulong, paghubog ng pamantayan at batayan, pagpapahayag ng mga patakaran, pagtakda ng suportang teknikal sa iba't-ibang bansa at ang pagpapaalala at pagtatantya sa mga kalakaran hinggil sa kalusugan. 






Polusyon sa Tubig
Ang tubig ang pinakamahalaga at marahil pinakamadalas gamitin na materyal sa
buong mundo. Mahigit pitumpung porsyento (70%) ng mundo ay binubuo ng tubig. Ito
ay sapat na upang matustusan ang mga pangangailangan ng tao, hayop at halaman.
Ngunit, kahit na sapat ang dami ng tubig sa mundo, nakararanas pa rin tayo nang
kakulangan sa tubig.

Bakit kaya tayo nakararanas nang kakulangan sa tubig? Ang kakulangan sa tubig ay
isa lamang sa napakaraming pinsala na dulot ng polusyon sa tubig – isa sa mga
mabibigat na suliranin ng kalikasan na ating hinaharap ngayon. Sa katunayan, ang
polusyon sa tubig at ang mga masasamang epekto nito sa tao at kalikasan ay naging
isang malaking pinagkakaabalahan Nakaririnig tayo ng mga paglalahad o komentaryo
tungkol sa kondisyon ng ating mga ilog at lawa, pati na rin sa mga dagat na nakapalibot
sa ating bansa. Nakaririnig tayo ng mga pahayag tungkol sa mga pating na nailigtas ng
mga environmental groups dahil ang kanilang tirahan ay nadumhan ng langis. Hindi na
nga rin tayo sigurado kung ang ating iniinom na tubig ay ligtas at malinis. Ano na nga
ba ang nangyayari sa ating mga pinagkukunan ng tubi?

Kaya hanggat maari turuan natin ang ating mga sarili na pangalagaan ang ating mundo, lalo na ang ating yamang tubig. Ingatan natin na huwag tuluyang masira ang ating katubigan, sapagkat kaawa awa naman talaga ang lahat ng klase ng nilalang meron sa ating karagatan. Sila ay mahalaga sapagkat ang ilan sa kanila ay pinagkukuhaan natin ng ating makakain sa pang araw-araw.

Polusyon sa Lupa

Paano ba nagkakaroon ng polusyon sa lupa? Paano ba nagkakaroon nito? Paano ba natin maiiwasan ang pagkakaroon ng polusyon sa lupa?

Ang Polusyon sa lupa ay iyong pagtatapon ng mga basura kahit saan at ang pagpuputol ng mga puno.
Kaya nagkakaroon ng polusyon sa lupa ay dahil sa maling pag tatapon ng basura kung saan-saan.Ang mga basurang ito ay bumabara sa mga daluyan ng tubig at nagiging sanhi ng pagkakaroon ng baha.

Ang pag puputol naman ng mga puno sa kabundukan maging sa kapatagan ay isang sanhi din ng polusyon sa lupa.Sa sobrang pagppuputol ng mga puno ngunit hindi naman napapaltan ng bago ay lubhang nakasasama sa ating kalikasan.Ang pagkakalbo ng mga kagubatan ay maaaring magdulot ng matinding pagbaha o unos.Sapagkat wala na ang mga punong nagpuprotekta o sumisipsip sa mga tubig na dapat ay papunta sa kapatagan.At mababawasan na rin ang ating pagkukunan ng ating likas na yaman na ating napapakinabangan.




Polusyon sa Ingay

Ang polusyon ng ingay, ay isang uri ng polusyon na bagamat hindi pisikal ay nakapagdudulot ng panganib o nakaiistorbo sa mga gawain ng tao at hayop. Maaari itong magmula sa tao, hayop, industriya, transportasyon at ilan pang bahagi ng lipunan na may kapasidad gumawa ng matindi at napalakas na ingay.
 

Sanhi

Marami ang maaaring pagmulan ng ingay. Sa modernong panahon, ang polusyon ng ingay ay karaniwang nagmumula sa linya ng transportasyon gaya ng sound alarm, busina at exhaust system ng mga tren, motorsiklo, kotse at bus. Ang mga sasakyang panghihimpapawid ay nakapagdudulot din ng polusyon ng ingay di lamang sa paligid ng mga paliparan, kundi pati sa mga ruta ng mga sasakyang ito. Malaki rin ang kontribusyon ng mga pabrika sa polusyon ng ingay. Ang kanilang mga makina, trak, at iba pang kagamitan ay sanhi ng polusyon ng ingay sa nakapaligid na lugar na karaniwan'y residential areas. Ang mga tahanan ay maaari ring magdulot ng polusyon ng ingay sa pamamagitan ng mga entertainment at kitchen appliances gaya ng telebisyon, stereo, food processor, blender, at iba pa.

Epekto

Bagamat kadalasang naisasantabi, ang epekto ng polusyon ng ingay ay napakalawak. Ang pinakapangkaraniwang epekto nito sa kalusugan, halimbawa, ay ang pagkawala ng pandinig. Sa katunayan, ang mga taong nagtatrabaho sa mga lugar na kadalasang maingay ay may problema sa pandinig.
Bukod pa rito, ang polusyon ng ingay ay maaari ring magdulot ng alta presyon at sakit sa puso. Ito ay sapagkat ang ingay ay nakakapagpataas ng blood pressure. Kapag may altra presyon ang isang tao, maaari siyang magkaroon ng sakit sa puso.

Ang polusyon ng ingay ay nagiging sanhi rin ng stress at kawalan ng konsentrasyon.
Bukod sa mga tao, ang polusyon ng ingay ay may malaking epekto sa mga hayop. Halimbawa, kapag malakas ang ingay sa kanilang habitat, ang kanilang mga normal na gawain gaya ng mating, pakikipag-communicate at paghahanap ng pagkain ay lubhang nagbabago, dahilan upang malagay sila sa panganib.


 Hindi ba at tayo rin ang naaapektuhan sa mga nangyayari? Bakit hindi tayo magbago at simulan ang magandang hangarin ng bawat tao? Simulan mo at magkaisa tayo..!!!!!!!!